WebClick Tracer

NEWS

Luis ibinaon ng 100 sinubang investor

Ni Nancy Carvajal

Pinagdiinan ng mga Flex fuel investors na responsable pa rin ang aktor na si Luis Manzano sa kanilang mga pamumuhunan at hindi dapat maghugas-kamay dahil lang sa gusot nila ng mga executive ng kompanya partikular na kay Ildefonso C. Medel.

“Wala kaming pakialam na mga investors kung may hidwaan sila ng bestman or bestfriend nya na si Bong Medel, basta po nagtiwala or nag trust po kmi know ay Sir Luis kaya po ako nag invest at yong 100 kong kasamahan,” pagdiriin ni Jinky Sta Isabel, tagapagsalita ng mga complainants laban kay Manzano at iba pang ka-business nito.

Sinabi pa ni Sta. Isabel na noong Nobyembre ng nakaraang taon, nakipag-ugnayan siya kay Manzano at humingi ng tulong matapos mabigong maibalik ng Flex fuel ang kanyang puhunan na umabot na sa maturity na humigit-kumulang P3 milyon.

“Kaya po ako humingi ng tulong kay Luis noong Nov 2022 dahil na confined yong apo ko sa ospital at kelangan ng malaking halaga,” aniya kung saan nagdeposito naman ang aktor ng P150K sa kanyang bank account.

“Actually po, tinulungan nya po ako financially at deneposit nya po sa account ko, pero ang sabi ko po sa kanya ibabalik ko yong deneposit nya sa account ko kung maibigay nya yong in-invest ko na pera. Pero hindi po pede e offset yong tinulong nya po sa akin, kaya ako invest sa flex fuel dahil sa mga word of encouragement nya at the end of our zoom meeting,”

“Kaya ako nag invest sa flex dahil sa sobrang tiwala ko kay Luis Manzano na alam ko hindi nya ako lolokohin or kami mga nag invest dahil syempre ginagalang po sila sa lipunan at alam naman natin may kakayanan sila or capacity or financially stable po sila,” dagdag pa niya.

Ayon pa dito’y handa umano siya at kasamahan niyang balewalain na ang anumang interes mabawi lang ang kanilang pinuhunan.

“Napag usapan namin na ibalik na lang nila yung cash investment in full, at di na kami maningil ng interest.”

Ipinaliwanag pa ni Sta Isabel na pinangakuan sila ng humigit-kumulang P70K kita kada buwan mula sa P990,000 na puhunan.

Nauna rito, sa kanyang liham kay NBI Director Medardo De Lemos na may petsang Nobyembre 8, 2021, nilinaw naman ng aktor sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Regidor Caringal na binitawan na niya ang interes sa FlexFuel at nag-resign bilang board chairman ng ilang kompanya sa ilalim ng ICM group na pinamumunuan ni Medel.

Sa kanyang affidavit na may petsang Disyembre 21, 2022, inilahad ni Manzano na ginawa siyang board chairman ng mga kompanya ni Medel bilang garantiya umano sa kanyang mga investment. Ngunit sinabi ng aktor na hindi siya nakialam sa management ng mga negosyo at kalaunan ay pormal na binitawan na ang kanyang koneksyon sa ICM group of companies, kabilang sa FlexFuel.

“Bong conducted the business in such a way that operational matters were kept away from me,” ani Manzano.

Matapos umano siyang mag-resign sa FlexFuel at iba pang kompanya ng ICM group noong Pebrero 2022 ay naglapitan na ang mga investor para humingi ng tulong sa kanya. Ipinabatid umano ito ni Manzano kay Medel pero wala naman itong ginawang aksyon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on