WebClick Tracer

SPORTS

33 MPBL player iniimbestigahan, hinihinalang dawit sa game fixing

Inisyuhan ng ‘yellow cards’ ang 33 manlalaro ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na pinagdududahang mga sangkot sa game-fixing.

Ibinahagi ni sports reporter Snow Badua ng Spin.phang kopya ng memo mula sa MPBL Commissioner’s Office sa Twitter Biyernes.

Kasama rin sa iniimbestigahan sa umano’y game-fixing sa 4th MPBL 2022 regular season ang ilang coach at staff.

Kung mapatunayang guilty, mahaharap sila sa 5-10 taon na suspensyon o lifetime ban sa liga na pag-aari ni Manny Pacquiao na ang commissioner ay si Kenneth Duremdes.

Pero habang wala pang pinal na hatol ang liga sa isyu, puwede pang maglaro ang mga sangkot na player sa 5th MPBL 2023 na sisiklab simula sa Mar. 10. (Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on