Finally ay nagbigay na ng pahayag si Sen. Chiz Escudero tungkol sa issue ng hiwalayan nila ni Heart Evangelista na pumutok last year.
Sa panayam sa Senador ni Karen Davila sa programang Headstart ay hindi pinalampas ng lady broadcast journalist ang pagkakataon na maitanong niya ang tungkol dito.
Pinag-react muna ni Karen si Sen. Chiz sa naging pangangantiyaw sa kanya ng mga kasamahang Senador sa ginanap na Senate session last Monday.
Sa nasabing session nga kasi ay tinukso siya ng mga kasamahang mambabatas matapos ang kanyang bakasyon sa Japan with Heart and his 2 kids.
Nag-dialogue pa si Sen. Grace po na “love is worth fighting for” at sey naman ni Senate President Migz Zubiri, “we believe in second chances.”
Tawa nang tawa ang Senador nang ipakitang muli ni Karen ang video ng panunukso sa kanya.
Karen asked kung ano ba ang talaga ang kanilang pinagdaanan as a couple para masabi ng kanyang mga colleague na “love is worth fighting for.”
“I don’t know where they’re coming from, Karen. Ang pwede ko lang ma-comment sa sinabi ni Sen. Grace, Sen Migz, sina Sen. Joel at ng iba, patawarin na lang natin sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi,” natatawang sabi ni Chiz.
Dagdag niya, “no. 2, my public life has always been separate from private life and if I did not speak about my private life before, I will not be breaking that by doing so now.”
Tanong ni Karen, “but is everything good on the home front?”
Sagot ng asawa ni Heart, “yes, with God’s grace and even before.”
He added, “again, ‘yung mga kasamahan ko sa Senado, nangangantiyaw at nang-aalaska lang ang mga ‘yan dahil matagal kaming hindi nagkita, but it shows that our relationship in the Senate is good and we’re friends outside of our work in the Senate.”
Tinanong ni Karen kung may mga challenges ba silang pinagdaanan at sagot naman ng Senador, “well, we face daily challenges, Karen, whether with family, with marriage, with work or even with your own personal health.
“But you should look at challenges positively because without challenges, you cannot and will not improve nor will you increase, whether in faith or in the ability to face challenges in the future.”
Hindi pa rin kontento of course si Karen at muling tinanong kung ano ‘yung kantyaw na “love is worth fighting for.”
Natawa naman ulit si Sen. Chiz at inulit din ang sagot earlier, “sabi ko nga sa ‘yo, patawarin natin sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi.”