NI: ROLDAN CASTRO
BILANG paghahanda sa ika-14 na anibersaryo ng Beautéderm Corporation , binuksan kamakailan ang headquarters nito sa Angeles City. Pati na rin ang resto-café niyang Beauté Beanery.
Ang business model ng kompanya ay nilikha ng founder nito, ang President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan.
Sa loob ng halos dalawang taon, sa pamumuno ni Anicoche-Tan, ang buong team ng Beautéderm ay masusing
plinano ang desinyo at pagpapatayo ng Beautéderm Corporate Headquarters sapagkat layunin nito na maging base
of operations ng kompanya at maging isangg premier lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.
Sa building matatagpuan din ang
luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end
fashion brands; ng BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ng AK Studios – na
isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoots at video productions; at ng Beauté Beanery – na
itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.
“Pet project ko ang Beauté Beanery at malapit ito sa puso ko,” deklara ni Ms. Rei .
“I’ve always wanted to run my
own restaurant that reflects my love for excellent service and good food. Bagong endeavor ito at talagang very
passionate ako dito.”
Present sa grand ribbon cutting ng Beauté Beanery ang ilan sa mga brand ambassadors ng Beautéderm gaya nina Lorna Tolentino, Darren Espanto, Korina Sanchez-Roxas, Anne Feo, Alynna Velasquez, Ynez Veneracion, Boobay,
Jane Oineza, DJ Cha Cha, at Sylvia Sanchez.
Nakasama rin nila ang Movie Queen na si Bea Alonzo sa opisyal na unveiling ng building na dinaluhan ng mga VIP
ng Angeles City at mga opisyal ng lokal na gobyerno.
Nandoon din ang mga kaibigan ni Ms. Rei mula sa media na sumuporta sa event na ito.


