Mga ka-Misteryo pag-usapan natin ang daigdig ng ghost hunting, ito ba ay pwedeng gawin ng ninuman o iilan lang?
Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!”
Kailwa’t kanan ngayon ang mga vlog tungkol sa ghost hunting at marami ang na-e-engganyo dahil sa lakas ng hatak ng views sa internet.
Pero alam niyo ba na hindi dapat ganun kadali na suungin ang ganitong larangan dahil hindi tao kundi mga ispiritu at nilalang sa kabilang dimensyon ang nakakaharap natin dito.
Ayon sa isang ghost hunter na ayaw magpabanggit ng pangalan, hindi dapat ganun kadali na pumasok sa ghost hunting at kailangang dumaan muna sa masusing training o pagsasanay.
Sang-ayon ako sa sinabi niya kasi kailangan mapag-aralan munang mabuti kung paano ka makipag-ugnayan sa mga multo o ispiritu sa tamang pamamaraan.
Sa mga kakilala kong ghost hunters ay hindi talaga biro ang naturang gawain dahil sa panganib na saktan ng mga hindi nakikita, maaaring bigyan ka ng sakit, maaaring sapian ka at mas matindi baka patayin ka ng masamang ispiritu.
Taong 1998 nang magsimula kong tahakin ang larangan ng paranormal at tuklasin ang kabilang dimensyon at sa pakikipag-ugnayan ko sa mga ispiritu o nilalang ay hindi ko masabing ganun nga kadali dahil una kong iniisip ang epekto ng gagawin ko.
Ito ay epekto sa lugar kung saan ko makatagpo ang mga ispiritu, epekto sa mga nakatira o taong nasa lugar, epekto sa akin at sa aking pamilya.
Karaniwan kong naka-ugnayan ang mga kakaibang nilalang sa astral travel dahil mas madali ko silang maintindihan at malaman kung ano ang kanilang gustong
ipabatid sa mundong pisikal.
Pero hindi ko rin masabi na ganun kadali dahil sa astral ay ilang beses na rin akong may naka-engkuwentro na mga masasamang ispiritu.
Ngayon sa programa natin sa Gabi Ng Misteryo ating alamin ang tunay na karanasan ng mga Ghost Hunter kasama natin ang mga beterano sa naturang larangan.
Bukas yan alas-10 hanggang alas-11 ng gabi sa Gabi Ng Misteryo sa DZRH Radio, Television at Social Media platforms.
Para sa inyong mva kuwentong kababalaghan lumiham sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.