WebClick Tracer

NEWS

Inabusong bata lumobo sa 9,000

Umabot sa halos 9,000 ang bilang ng mga napaulat na pang-aabuso sa kabataan noong 2022, ayon kay Council for the Welfare of Children (CWC) executive director Undersecretary Angelo Tapales.

Sa public briefing nitong Biyernes, sinabi ni Tapales na ang nasabing datos ay mula sa mga children protection unit ng mga ospital at helpline ng CWC.

“Batay po sa datos na nakuha namin sa women and children protection unit na present po sa mga ospital natin sa buong Pilipinas, noong 2022 po may 8,948 na kabataan ang naitalang naabuso,” sabi ng opisyal.

Bukod dito, sa kanilang Makabata Helpline na nagsimula noong Oktubre, may natanggap din silang hinaing na 43 kaso.

Karamihan umano sa mga biktima ay 15 hanggang 17-anyos at karamihan sa child abuse na kanilang nararanasan ay mula sa tahanan, eskuwelahan, at komunidad.

Dahil dito, itinutulak ng CWC ang batas na magbibigay ng health at psychosocial support sa mga bata. (Gel Manalo/Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on