WebClick Tracer

SPORTS

Kim Aurin, Barangay Ginebra raratsada sa PBA 3×3 Leg 4

Story text:

Atat ang lahat ng team na idenay ang Barangay Ginebra San Miguel sa back-to-back championships pagtalbog Biyernes ng Season 2 PBA 3×3 Third Conference Leg 4 pool play sa Robinsons Novaliches sa Quezon City.

Magpaparada ang mga kontender TNT, Cavitex, at San Miguel ng bagong rosters sa tournament upang makasabay sa giniyahan ni Kim Aurin na Gin Kings, na sa wakas nakapagpasiklab sa nakaraang linggo upang makapuslit sa Platinum Karaoke, 20-19 overtime, at kopoin ang unang leg championship.

Nasipa ang Tropang Giga, winner ng Leg 2, sa quarterfinals sa huling aksyon, kaya ibabalik sina Ping Exciminiano at Luis Villegas para samahan sina Samboy De Leon at Almond Vosotros dahil pahinga muna sina big man Lervin Flores at Gryann Mendoza.

Isinalpak naman ng opening leg winner San Miguel si big man Ken Bono sa reserve list para mapagana ang quartet nina Tonino Gonzaga, Dariel Bayla, Leodi De Vera, at James Mangahas makaraang sumablay sa Leg 3 knockout stage.

At ang Braves? Ibabalik si dating Gilas special draftee Tzaddy Rangel para kay Marion Magat.

Pero atat ang Kings na manalo ng pangalawang sunod at kopoin ang P100K top purse kaya pinanatili ni coach Kirk Collier sina Kim Aurin, Donald Gumaru, Ralph Salcedo, at Raphael Cu.

Wala ng nabago sa kabuuan ng mga kampo sa pag-iinit sa karera para sa puwesto sa grand finale ng season sa kalagitnaan na ng six-leg hoopfest.

Kagrupo ng Ginebra ang Pioneer Elastoseal at Purefoods sa Pool A, nasa Pool B ang Platinum Karaoke, Terrafirma, at Blackwater, bumubuo sa Pool C ang Meralco, Cavitex, at San Miguel, ang J&T, TNT, at NorthPort kumukumpleto sa Pool D.

Ang Pioneer Elastoseal versus Purefoods TJ Titans ang magbubukas sa 12-game pool stage, na ang top best eight teams ang mga uusad sa quarterfinals.

Magsusubi ang sesegunda ay P50K, at ang tersera ay P30K. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on