Kasunod ng big time hike sa presyo ng LPG na bumungad sa unang araw ng Pebrero, sinabi ni Republic Gas Corporation (REGASCO) President at dating LPGMA Party-list Congressman Arnel Ty, na magiging pababa na ang presyo nito.
Ayon kay Ty, base ito sa galaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.
“‘Yung pagtaas nitong Pebrero masasabi nating extraordinary ang nangyari. Noong kami ay nagkumparahan ng data ng Department of Energy, ito po ay highest in the last 15 years…ito po’y dikta ng international market
“When it comes to the history, ‘pag may malaking pagtaas sa isang buwan, may malaki ding pagbaba,” saad ni Ty sa mga mamamahayag na dumalo sa presscon kasabay ng unang LPG Regional Summit na idinaos sa San Fernando City, La Union.
“I can say pababa ang presyo by next month, kasi talagang ganun ang history ng LPG, ‘pag may malaking demand sa international market, damay tayo,” dagdag pa ni Ty. (Gel Manalo)