WebClick Tracer

SPORTS

MJ Philips, Petro Gazz sasangkalanin pagliban ni Alysa Valdez sa Creamline

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4 pm – Akari vs Choco Mucho

6:30 pm – Creamline vs Petro Gazz

Umaasa ang Petro Gazz, babalikatin ni Mar-Jana ‘MJ’ Philips na masasamantala ang pagliban ni Alyssa Valdez sa Creamline para sa mapuwersang umpisa sa rematch ng mga finalist sa nakaraang taon sa sambulat ngayon (Sabado) ng 6th Premier Volleyball League All Filipino Conference sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Wala sa aksyon ang kapitana ng Cool Smashers na nagka-right knee injury sa laban ng team sa bronze medal kontra Chery Tiggo sa 2022 Reinforced Conference, pero positibo ang three-time league Most Valuable Player na kaya ng kabuuan ng Creamline na magdeliber sa pagkawala niya.

“I’m very much confident that this team will give a good fight this conference,” lahad ni Valdez sa ‘di nagalaw na kampo para sa paliga ng Sports Vision, at may mga live telecast sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, SMART Live Stream at pvl.ph.

Toka sa atake sina Tots Carlos at Jema Galanza, bahala sa gitna si Ced Domingo, si Jia De Guzman ang magpapatakbo ng plays at aayuda sina Michele Gumabao, Pangs Panaga, Risa Sato, Kyle Negrito, Kyle Atienza at Rose Vargas kung mabibigyan ng tsansa, malang na muling mawalis ng defending champions ang torneo gaya sa nakaraang taon.

Kahit naman nag-ober da bakod si Myla Pablo sa Chery Tiggo, mapuwersa pa rin ang Angels kay Philips kasama sina Grethcel Soltones, Jonah Sabete, Nicole Tiamzon, Aiza Pontillas, Djanel Cheng, Alisa Buitre, Lourdes Clemente at Remy Palma.

Bagong diskarte para sa new coach na si Oliver Almadro ang inaasahan at magbibigay ng karagdagang lakas ang mga bago ring recruit na sina Dzi Gervacio at Jellie Tempiatura.

Alas-6:30 ng gabi ang hambalusan.

“Exciting naman palagi ang laban namin sa Petro Gazz. Pero ngayon, new head coach sila (Almadro) kaya pag-aaralan namin. Basta expect na magiging ready kami at ang Petro Gazz,” bulalas ni Creamline coach Sherwin Meneses.

“Naghanda at nagpalakas ang lahat ng teams ngayong off-season. Kami naman, intact pa rin ang lineup. Handa naman kami this conference pero, yun nga, nag-recruit ng bagong players ang ibang team tapos yung iba naman nagbago ng sistema altogether. Tignan na lang natin kung san kami aabutin ngayong All-Filipino,” hirit pa niya.

Sasabak sa alas-4:00 ng hapon ang Choco Mucho at Akari na tinatayang dikdikan din sa pagparada ng Flying Titans sa triple-tower nina Kat Tolentino, Maddie Madayag at Bea de Leon,at palaging maasahang sina Des Cheng, Isa Molde, Cherry Nunag, Maika Ortiz, Caitlin Viray at Deanna Wong.

Pero nagpalakas ang Power Chargers para sa taong ito, biningwit sina Dindin Manabat, Bang Pineda, Eli Soyud at rookie Camille Victoriapara suportahan sina mainstays Michelle Cobb, Lcyha Ebon, Princess Madrigal, Jhoana Maraguinot, Janine Marciano at Shiela Pineda. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on