STANDING
TEAM W L
Converge 4 0
NLEX 3 0
San Miguel 3 0
TNT 3 1
Meralco 2 1
Terrafrma 1 2
Blackwater 1 2
Phoenix 1 3
Magnolia 0 2
Rain or Shine 0 3
NorthPort 0 4
Ginebra 0 0
Mga laro ngayon (Ynares Center Antipolo)
4:30 pm – NLEX vs Phoenix
6:45 pm – Meralco vs Blackwater
Sa tikas ni RR Pogoy, pinagpag ng TNT ang Magnolia 93-85 para kontakin ang pangatlong panalo sa apat na laro sa 47th PBA 2023 Governors Cup elims Biyernes ng gabi sa Ynares Center-Antipolo.
Lumamang hanggang 16 ang Tropang Giga pero naibaba ng Hotshots 83-81 at 85-83.
Kaya lang, sa unang tsansang tumabla ay ninakaw ni Pogoy ang bola ni Erik McCree at sa pangalawa ay sablay ang tutok sa ilalim ni Calvin Abueva.
Kumana ng 8 straight points ang Tropa para muling ilayo sa 10.
Tumapos si Pogoy ng 20 points, may tig-14 sina Jalen Hudson, Mikey Williams at Calvin Oftana na humablot pa ng 10 rebounds off the bench.
Bumomba ng 24 pts. mula anim na 3s si Paul Lee pero tumikim ng back-to-back losses ang Hotshots. Naka-12 markers, 16 boards si McCree na 4 of 9 lang sa field at may 8 turnovers.
Sa first game, tumagay ng 31 pts. si Cameron Clark at isinalya ng San Miguel Beer (3-0) ang Terrafirma (1-2) 122-102.
Mga iskor
Unang laro
San Miguel 122 – Clark 31, Perez 20, Tautuaa 17, Bulanadi 14, Lassiter 12, Cruz 9, Fajardo 6, Ross 6, Brondial 4, Enciso 3, Canete 0.
Terrafirma 102 – J.Williams 30, Tiongson 20, Camson 18, Cabagnot 10, Calvo 7, Gabayni 6, Ramos 4, Ferrer 3, Daquioag 2, Gomez de Liano 2, Mina 0, Cahilig 0, Alolino 0.
Quarters: 19-21, 57-44, 88-78, 122-102.
Pangalawang laro
TNT 93 – Pogoy 20, M.Williams 14, Hudson 14, Oftana 14, K.Williams 11, Castro 9, Khobuntin 4, Chua 4, Tungcab 3, Varilla 0, Montalbo 0, Ganuelas-Rosser 0.
Magnolia Chicken Timplados 85 – Lee 24, McCree 12, Abueva 12, Jalalon 10, Escoto 8, Wong 6, Barroca 5, Dionisio 4, Dela Rosa 2,Corpuz 2, Ahanmisi 0.
Quarters: 18-21, 52-39, 75-64, 93-85. (Vladi Eduarte)