WebClick Tracer

OPINION

Keber kung worst tsibog ang ‘hotsilog’

Usap-usapan ang pagkakabilang ng swak sa bulsang pagkaing Pinoy na ‘hotsilog’ sa listahan ng ‘worst dishes in the world’ ng Taste Atlas.

Bukod sa paborito ng bayan na ‘hotsilog’ ay napabilang din sa listahan ang ‘kinalas.’

Nasa rank 36 ng listahan na inilabas ng Taste Atlas ang favorite Pinoy breakfast na combo ng hotdog, fried rice, at pritong itlog habang top 17 ang kinalas, ang sikat na noodle soup mula sa Bicol.

Malamang sa Taste Atlas ay bagsak sa panlasa nila ang naturang mga pagkaing Pinoy pero para sa atin winner ito lalo na ngayong nagtaasan ang bilihin.

Hindi rin kaya sablay ang ipinatikim na hotsilog sa Taste Atlas kaya bumagsak ito sa survey gaya ng

Anyway bawi naman tayo sa ibang pagkaing Pinoy na pasok sa panlasa ng Taste Atlas gaya ng ating paboritong lumpiang shanghai, kare-kare, inasal at tortang talong.

Ang importante ay pasok sa panlasa ng mga Noypi ang mga pagkaing katulad ng hotsilog na nakapadaling lutuin dahil sa abot kayang halaga kahit magmahal pa ang presyo ng itlog.

***

Nakahuntahan ng mga opisyal ng National Press Club sa pangunguna ni President Lydia Bueno si MTRCB Chair Lala Sotto kung saan kabilang rin ang inyong lingkod para makibalita sa mga programa ng ahensiya sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Maayos ang pamumuno ni MTRCB Chair Lala dahil sa kabila ng limitadong pondo ay naisasakatuparan ng ahensya ang kanilang mandato.

Maraming magagandang programa ang ahensiya na nakaka-excite pero abangers na lang tayo ng opisyal na pahayag ng tanggapan ni Chairman Lala.

Pero isa sa nakaagaw ng aking atensiyon sa nasabing huntahan ay ang pelikulang ‘ Mang Kanor.’

Marami daw dapat ipaliwanag sa MTRCB ang nasa likod ng ‘Mang Kanor’ dahil sa maraming paglabag.

Sa mga abangers kay ‘Mang Kanor’ sa sinehan mukhang mapupurnada ang inyong pangarap na mapanood sa big screen ang pelikulang dahil sa lantarang paglabag sa mga panuntunang ipinaiiral ng MTRCB.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on