WebClick Tracer

METRO

Angkas nagulungan ng bus

PATAY ang angkas ng isang motorsiklo habang sugatan ang driver nito nang bumangga ang kanilang sasakyan sa likurang bahagi ng isang pampasaherong bus at nagulungan ng isa pang pampasaherong bus sa Dasmariñas City, Cavite, Sabado ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Gabriel Aguilar, 23, ng Brgy Navarro, Gen Trias City, Cavite habang sugatan ang driver ng motorsiklong Yamaha Mio na minamaneho ni Henry Jerald Nocon, 23, ng Kaunlaran, Rosario, Cavite.

Kinilala naman ang driver ng Jasper Jean Volvo bus na may plakang CBM 9431 na si Bryan Betinol ng Gen Trias City, Cavite at Don Aldrin Bus na may plakang UBQ 252 na minamaneho ni Loiden Lope y Mamanquil, ng Indang, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Apolonio Narte, ng Dasmariñas City Police, alas-5:30 kamakalawa ng umaga nang naganap ang insidente sa Aguinaldo Highway, Brgy Salitran 1, Dasmarinas City, Cavite.

Minamaneho ni Betinol ang isang pampasaherong bus patungong Manila nang huminto ito at

pumik-ap ng pasahero habang kasunuran nito ang motorsiklo ng mga biktima na aksidenteng bumangga sa likuran ng bus.

Dahil sa pangyayari, tumilapon ang mga biktima sa kalsada at nagulungan naman ng isa pang pampasaherong bus na minamaneho ni Lope na ikinasawi ng angkas. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on