WebClick Tracer

SPORTS

EJ Obiena nilundag ang gintong medalya sa Orlen Cup-Poland

Ipinagpatuloy ni 2020+1 Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena ang pagkolekta ng mga medalya nang talunin ang ginto Linggo sa 2023 Orlen Cup sa Lodz, Poland.

Nilampasan ng World Athletics No. 3 at alas ng Philippine Athleltics Track and Field Association ang 5.77 metro upang talunin si Sam Kendricks (5.70m) ng United States at siyam na iba pang kalahok.

“Happy to take the win here today in Łodz @orlencup . It was a difficult battle, both physically and mentally,” post ni Obiena sa kanyang social media. “Now we rest and recover for @copernicus_cup on the 8th of February. Traveling from 🇸🇪 to 🇵🇱 was not easy at all.

Kakakopo lang ng Pinoy ng tansong medalya nang pantayan ang kanyang personal at national indoor record 5.82m sa Mondo Classic pole vault competition na may gala format sa IFU Arena sa Uppsala, Sweden noong Feb 2.

Binuksan ng Italy-based na si Obiena ang kanyang indoor season sa silver medal sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany noong nakaraang linggo bago nasungkit ang kanyang unang titulo ng taon sa Perche en Or sa France sa pamamagitan ng 5.82-meter.

Napilitan si Obiena na laktawan ang Asian Indoor meet sa Astana, Kazakhstan sa Feb. 10-12 dahil sa logistics sa pagbitbit sa kanyang mga pole at sa halip ay sasabak na lang sa Copernicus Cup sa Torun, Poland sa Feb. 8. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on