ARESTADO ang isang Grade 12 na estudyante sa Cebu City nang mahuli sa akto na tumitira ng marijuana sa labas ng isang establisimiyento kahapon ng umaga.
Sa ulat, naaresto ang 19-anyos na si “Rey,” sa Barangay Mambaling, nang mahuli ng security guard ng establisimiyento.
Ayon sa sikyo, nagroronda siya nang mahuli ang binatilyo na nasa akto umanong nagma-marijuana ng alas-singko ng madaling araw.
Sinasabing galing umano si Rey sa nasabing establisimiyento kung saan nagkaroon ng disco.
Lumabas ito para `magyosi’ pero naaresto.
Agad itong itinurn over sa Abellana Police Station. (Catherine Reyes)