WebClick Tracer

METRO

Kelot tinigok habang natutulog

Tuluyan nang di nagising ang isang lalaking natutulog nang pagbabarilin sa Calamba City Laguna Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Calamba City police, parehong namatay ang biktima na idineklarang dead on the spot at ang suspek na nasawi naman matapos na manlaban sa mga nagrespondeng mga Barangay Tanod.

Batay sa imbestigasyon, alas-11:00 ng gabi nang pasukin ng suspek na si Randy Contreras Perez ang tinutulugang bahay ng mag-live in partner na sina Roilan Mendez Ilao at Marites Sulit sa Barangay lawa.

Pinagbabaril ng suspek ng ilang beses ang biktimang si Mendez sa loob ng kuwarto na agad nitong ikinasawi.

Papatakas na ang suspek nang makorner ito ng mga nagrespondeng miyembro ng Barangay Public Safety Officers (BPSO) ng Barangay Lawa at tinangkang pasukuin.

Naging bayolente umano ang suspek kaya pinagtulung-tulungan itong kuyugin ng mga tanod at iba pang tumulong na bystander.

Nagtamo ito ng mga grabeng pinsala at isinugod sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalaam kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.

Inaalam din ng pulisya kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng suspek laban sa mga tanod. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on