WebClick Tracer

METRO

Manager dinedo dyowa saka nag-suicide

Hinihinalang binaril muna ng 30-anyos na lalaki ang sinasabing karelasyon niyang supervisor bago nagbaril sa sentido matapos ang mainitan nilang pagtatalo sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:40 ng gabi (February 4), nang madiskubreng nakahandusay ang 29-anyos na biktimang supervisor na taga-Gulod, QC gayundin ang karelasyon nitong 30-anyos assistant area manager, ng Caloocan City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Angel T Pascasio III, nasa kusina umano ang kapatid ng supervisor nang marinig niya ang utol nito at partner ng huli na nagtatalo sa loob ng silid.
Ilang minuto lang ay bigla na itong nakarinig nang magkakasunod na putok ng baril kaya agad siyang nagtungo sa silid ng kapatid at doon ay bumungad ang mga biktima na kapwa duguan habang hawak pa ng assistant manager ang .38 caliber revolver sa kanang kamay.
Naisugod pa ang mga biktima sa Novaliches District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ang 30-anyos na biktima. Inilipat naman ang supervisor sa East Avenue Medical Center, subalit nasawi rin.

Nakasamsam naman sa crime scene ang SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit na pinamumunuan ni Police Captain Eric Angay Angay, ng tatlong basyo ng bala ng .38 caliber revolver.

Nabatid na 6-taon na umanong may relasyon ang mga biktima na nagsimula pa noong 2017.

Nagasasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa nangyaring krimen. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on