WebClick Tracer

SPORTS

Nards Pinto, Justin Brownlee petmalu kontra Rain or Shine

STANDING
TEAM W L
Converge 4 0
NLEX 4 0
San Miguel 4 0
Ginebra 1 0
TNT 3 1
Meralco 3 1
Terrafrma 1 2
Blackwater 1 3
Phoenix 1 4
Magnolia 0 3
Rain or Shine 0 4
NorthPort 0 4

Mga laro sa Miyerkole (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – TNT vs Converge
5:45 pm – NLEX vs Ginebra

Matikas na imumpisahan ng Ginebra ang kampanya sa PBA Governors Cup sa bisa ng 116-108 panalo laban sa Rain Shine Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakakangilong 29 points, 10 rebounds, 11 assists ang pinakawalan ni Pinoy naturalized player Justin Brownlee sa Gins.

May 18 points pa si Japeth Aguilar, 15-8-5 kay Scottie Thompson, 14 points kay Japeth Aguilar, 14 kay Jamie Malonzo, at may 12 pts., 2 rebs., 3 asts. at 1 steal para hiranging best player of the game na si Nards Pinto.

Mailap ang panalo sa Elasto Painters sa limang laro sa kabila ng 23 points ni Michael Qualls at season-high 21 ni Beau Belga.

Halos buong larong nasa unahan ang Gins, hindi bingyan ng pagkakataon na makahabol ang Painters.

Sa first game, nag-deliver sa clutch sina Camerob Clark, Marcio Lassiter at Simon Enciso at ipinagpag ng San Miguel Beer (4-0) ang Magnolia (0-3) 100-98.

Nagsumite si Clark ng 19 points, 18 kay Lassiter at 17 kay CJ Perez.

Mga iskor

Unang laro

San Miguel 100 – Clark 19, Lassiter 18, Perez 17, Fajardo 16, Cruz 13, Enciso 12, Brondial 3, Manuel 2, Bulanadi 0.

Magnolia 98 – Lee 19, Jalalon 17, Mccree 13, Barroca 13, Abueva 11, Escoto 9, Laput 9, Dela Rosa 4, Wong 3, Reavis 0, Corpuz 0.

Quarter: 26-29, 47-51, 79-70, 100-98.

Pangalawang laro

Ginebra 116 – Brownlee 29, J.Aguilar 18, Thompson 15, Pringle 14, Malonzo 14, Pinto 12, Gray 7, Standhardinger 4, Tenorio 3, Mariano 0.

Rain or Shine 108 – Qualls 23, Belga 21, Namabatac 18, Yap 11, Santillan 7, Torres 7, Mamuyac 6, Borboran 5, Asistio 4, Demusis 4, Norwood 2, Ponferrada 0.

Quarters: 28-21, 50-45, 80-81, 116-108. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on