PATAY ang isang pulis nang mahimatay sa kalagitnaan ng sinalihang fun run sa Cebu Cordova Link Expressway sa Cebu City kahapon.
Sa ulat, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ni Police Brigadier General Jerry Bearis, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) na nakatalaga ang namatay na pulis na si Patrolman Lee Rodrocks Carbonilla, sa Regional Mobile Force Battalion sa rehiyon.
Sinabi ni Pelare na base sa imbestigasyon, bigla na lang bumagsak si Carbonilla habang tumatakbo.
Dead on arrival na umano ito nang madala sa ospital.
Lumitaw na nasawi ito bunga ng Acute Decompensated Heart Failure, ayon na rin kay Pelare.
Naghatid naman ng pakikiramay ang Pambansang Pulisya sa pagkasawi ng isa nilang kasamahan. (Catherine Reyes)