WebClick Tracer

METRO

Sunog sa Taguig, senior dedo

Isang 74-anyos na lalaki ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang tupukin ng apoy ang 19 kabahayan sa Barangay Bambang, Taguig City, Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang nasawing septuagenarian na si Conrado Garcia, na nakulong sa loob ng kanyang bahay matapos sumiklab ang sunog alas-6:48 ng umaga at agad na kumalat sa 14 iba pang kabahayan.

Naapula ang sunog alas-7:11 ng umaga at tinatayang nasa P1.7 milyon ang pinsala.

Nagtamo naman ng second-degree burns sa kaliwang kamay at noo ang isang Joneel Garcia.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog na nakaapekto sa hindi bababa sa 19 na pamilya.

Agad namang inabutan ng government authorities ng food packs at toiletries ang mga biktima na pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay. (PNA)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on