Ni Nancy Carvajal
Ibinulgar ng sexy star na si Ivana Alawi na na-scam siya ng developer ng kanyang collagen boosting drink sa Taguig City Prosecutor’s Office noong Lunes.
Si Alawi, kasama ang kanyang mga abogado mula sa Rama, Baena Tan at Ang Law office (RBTA) ay nagsampa ng kasong estafa laban sa mga executive ng 888 Paragons Golden Dragonz Manufacturing Corp. na may mga tanggapan sa Novaliches, Quezon City.
Sa kanyang complaint affidavit, sinabi ni Alawi na nagdeposito siya ng P4.8 milyon sa account ng manufacturing company bilang advance payment para sa exclusive distribution ng collagen boosting drink.
“I was promised that they can formulate and manufacture a beauty- boosting product and assured me that they can lock-in exclusively to me the melon flavor if I advanced the money as soon as possible,” saad ni Alawi.
“They purposely misled me into believing that I can get exclusivity on the melon flavor, when in fact they were already preparing to manufacture and sell a competing product,” dagdag niya.
“On October 7, 2022, in my behalf, my brother deposited P4.885 to the company account, relying in good faith on the promises to lock in the exclusivity deal,” sinabi pa ng sexy star sa Politiko_Ph.
Gayunpaman, ang nasabing manufacturing company ay hindi umano tumupad sa kanilang mga pangako at ang malupit ay ibinenta din ang parehong produkto na aniya ay `intended under my name and line.’
“Respondents had proceeded to put out beauty- boosting drinks replicated from the product specifications that my team and I relayed to them during our product development meetings,” dugtong pa ng aktres.
Idinagdag niya na ang isang inumin na gaya ng kanyang intented line ay ibinenta sa merkado, dalawang araw pagkatapos niyang ideposito ang cash advance.
Sinabi rin niya na dahil sa panlilinlang ay nagpadala siya ng ilang mga demand letter sa mga executive ng kumpanya na ibalik ang kanyang pera.
“To date, my attempts have been in vain. The respondents on their part have been openly flaunting the windfall cash they got from me and alleged profits they gained in selling the product they copied from me, but using low quality and unhygienic manufacturing processes and ingredients,” litanya pa nito.