Sino raw itong miyembro ng Senado na muntik nang pauwiin dahil sa hindi maayos na pananamit habang nasa loob ng session hall?
Sinita raw kasi ng isang mambabatas ang senador kung bakit suot ang “inappropriate attire” na ipinagbabawal sa mga miyembro ng Senado.
Dapat daw kasi ay naka-barong ang senador pero pumasok ito na naka-long sleeve, may coat pero walang kurbata.
Nagbigay naman ng dahilan ang mambabatas na kaya siya hindi nakasuot ng barong ay dahil natapunan ng kape ang kanyang damit.
Sinisi pa niya ang kapwa senador na siyang dapat umanong magpaliwanag sa pangyayari at hindi siya.
Hinamon din niya ang babaeng senador na handa siyang ipakita ang nadumihang barong pati na ang undershirt para patunayan na nagsasabi siya ng totoo.
Nakuntento naman sa paliwanag ang lady solon at kinatigan ang pagbibigay ng exemption sa pinaiiral na patakaran.
Clue: Ang senador na muntik pauwiin dahil sa hindi tamang pananamit ay taga-Luzon at madasalin.