Inaprubahan kahapon ng House committee on women and gender equality ang panukalang batas para amyendahan ang Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Inaprubahan ng komite sa pagdinig nitong Miyerkoles, Pebrero 8, ang substitute bill ng panukala.
Alinsunod sa panukala, isasama na sa mga paglabag sa batas ang electronic violence o ang paggamit ng information and communications technology na maaaring magdulot ng mental, emotion o psychological distress sa kababaihan at kabataan.
Ituturing din na paglabag sa batas ang hindi awtorisadong recording, reproduction, distribution, sharing o uploading ng litrato, video at iba pang uri ng electronic o artistic presentation na nagpapakita ng maseselang parte ng katawan o sexual content.
Kasama rin sa electronic violence ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon o balita sa pamamagitan ng text messaging at paggawa ng fake social media account gamit ang alyas o iba’t ibang personal information na may masamang intensyon at malisya para lamang gumawa ng intriga at makapanakit. (Eralyn Prado/(Billy Begas)