Trending na topic ngayon sa Twitter ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.
Marami kasing tagasubaybay ng seryeng “Dirty Linen”ang sobrang impressed sa kanyang acting.
Hirit din ng kibitzers, siguradong lalaban daw sa acting awards hindi lang si Janine at maging ang ensemble cast ng serye sa prestihiyosong award-giving bodies next year.
Sey nila, napaka-epektibo raw ni Janine sa latest episode ng TV series . Unti-unti nang naisasakatuparan ng kanyang character na si Olivia ang paghihiganti sa pamilyang nabibilang sa alta na dahilan ng pagkamatay ng kanyang inang si Alexa.
Napakagaling daw ng seamless acting nito kung saan mata lang niya ang kanyang pinagagana . Tatak ito ng kanyang lolang si Nora Aunor na National Artist for Film and Broadcast Arts.
Obserbasyon pa nila, nanghiram daw ng ‘mata’si Janine sa kanyang abuela.
May followers din na naging ‘instant faney’ niya ang nag-wish na sana ay magkasama ang dalawa sa isang proyekto o teleserye pagkatapos ng “Karelasyon” episode nito sa GMA-7.
Kung noon daw, takot pa si Janine na maikumpara sa kanyang great grandma, opinyon nila ay kaya na nitong makipagsabayan sa Superstar.
Feeling nila, hindi na rin ito basta malalamon ng tinaguriang Grand Dame of Philippine Cinema dahil palaban na rin ito sa galing pagdating sa pag-arte.
After all, anila, isa namang Urian award-winning actress si Janine na nanalong best actress noong 2020 para sa pelikulang “Babae at Baril.”
Ito ang ilang komento ng kanyang followers.
“LAHAT SILA MATA MATA SCHOOL OF ACTING ESPECIALLY JANINE GUTIERREZ JUSKOO #DLSabotage
THE JANINE GUTIERREZ!!!! -Head Teacher at Dirty Linen’s Mata Mata School of Acting.
“still get lost in Janine’s eyes even when she’s plotting to destroy a high society family that’s built their fortune in blood and money.”
“janine gutierrez being aware that she’s a nepo baby is one of the hottest things i have ever seen”
“Bravo! Ang galing niya. Nanghiram ng ‘mata sa mata’acting kay Ate Guy.”
“Shes’no Urian awardee for nothing.”
“In fairness, kaya na niyang makipagsabayan kay Nora. Hindi siya palalamon nang buhay.”
“Excited to see them in one project: two great actresses of their generation.”