STANDING
TEAM W L
San Miguel 4 0
Ginebra 2 0
TNT 4 1
Converge 4 1
NLEX 4 1
Meralco 3 1
Terrafirma 1 2
Blackwater 1 3
Phoenix 1 4
Magnolia 0 3
Rain or Shine 0 4
Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Blackwater vs Terrafirma
6:45 pm – Meralco vs SMB
Nagpakita na si Jeremiah Gray, inangklahan ang 13-3 finishing kick ng Ginebra sa final minute para kumpletuhin ang rally at itumba ang dating undefeated NLEX 114-111 sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.
Tatlong 3s ang pinakawalan ni Gray kabilang ang pang-agaw lead 112-111 may 19 seconds na lang, bago pinalitadahan ng dalawang free throws ni Justin Brownlee ang 2-0 card ng Gins sa 47th Philippine Basketball Association 2023 Governors Cup elims.
Nambarako si Brownlee ng 44 points, 16 rebounds, 6 assists, tumapos si Gray ng 19 points mula 5 for 7 shooting sa 3s. May 9 markers at 11 boards si Jamie Malonzo.
Ungos sa assists ang Gins 29-18, 10 dito kay Scottie Thompson palamuti sa 12 points at 7 rebounds.
Naiwan pa ang crowd favorites 100-88 sa bukana ng fourth quarter bago unti-unting bumalik.
Nadiskaril ang PBA debut ni ex-NBA player Wayne Selden sa kabila ng pasiklab na 43-7-7 sa Road Warriors na napigil sa 4-1. Nagpakalat ng 20 points sa third si Selden sa 37-25 tear ng NLEX sa period.
Nag-ambag ng 22 points off the bench si Kevin Alas, may 19 points, 11 rebounds at 5 blocks ni Brandon Ganuelas-Rosser.
Sa unang laro, nagliyab ng conference-high 56 points si Jalen Hudson at binalik din sa lupa ng TNT (4-1) ang Converge (4-1) 128-122.
Mga iskor
Unang laro
TNT 128 – Hudson 56, M.Williams 19, Pogoy 18, Varilla 12, Castro 10, Oftana 5, Chua 3, Khobuntin 3, K.Williams 2, Marcelo 0.
Converge 122 – Franklin 47, Ahanmisi 21, Tratter 11, Arana 10, Racal 9, Stockton 8, Teng 8, Murrell 6, Balanza 2, Guinto 0, Tolomia 0.
Quarters: 35-32, 64-65, 93-94, 128-122.
Pangalawang laro
Ginebra 114 – Brownlee 44, Gray 19, Thompson 12, Pringle 10, Malonzo 9, J. Aguilar 9, Pinto 8, Tenorio 3, Pessumal 0, R. Aguilar 0, Mariano 0.
NLEX 111 – Selden Jr. 43, Alas 22, Ganuelas-Rosser 19, Rosales 10, Trollano 6, Semerad 6, Gabo 3, Anthony 2, Pascual 0, Doliguez 0.
Quarters: 28-25, 59-55, 84-92, 114-111. (Vladi Eduarte)