WebClick Tracer

SPORTS

Kat Tolentino, Choco Mucho Flying Titans liligwakin Petro Gazz Angels

TEAM W L
Choco Muco 1 0
Creamline 1 0
Chery Tiggo 1 0
F2 Logistics 1 0
PLDT 0 1
Cignal 0 1
Petro Gazz 0 1
Akari 0 1
Army 0 0

Mga laro ngayon (Filoil Ecooil Center, San Juan)
4 pm – Creamline vs Cignal
6:30 pm – Petro Gazz vs Choco Mucho

Muling kakamada si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino para sa Choco Mucho upang silatin ang reigning Reinforced titlist Petro Gazz upang sumalo o masolo ang taas sa 6th Premier Volleyball League (PVL) 2023 All-Filipino Conference sa Filoil EcoOil Centre Arena sa San Juan ngayon.

Tumuka si Tolentino ng 11 points lahat mula sa atake nang walisin ng Flying Titans (1-0) ang Akari, 25-20, 25-15, 25-15 noong Sabado para maging patok sa alas-6:30 ng gabing engkuwentro kontra Angels (0-1) na tumilapon naman sa defending champion Creamline noon ding Feb. 4 via straight sets din.

Aangas din para sa Choco ni coach Dante Alinsunurin sina Maddie Madayag at Bea De Leon na mga tumapos ding may tig-11 markers at naka-10 puntos na si Isa Molde at paborito ng mga mirong si Deanna Wong.

Inoorganisa ng Sports Vision at mga napapanood sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, at SMART Live Stream at pvl.ph, magtutuos din sa alas-4:00 ng hapon ang Cool Smashers (1-0) at Cignal (0-1). (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on