Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang bonding moment ng magkakaibigang Angelica Panganiban at bffs na sina Kim Chiu at Bela Padilla.
Nai-post ito nang ibahagi ng Chinita Princess sa kanyang Instagram ang pag-attend niya sa binyag ng kanyang inaanak na si Baby Bean, anak nina Angelica at ng partner nitong si Gregg Homan.
Makikita kung gaano ini-enjoy ni Kim ang pagkarga sa kanyang inaanak.
May caption itong: “Welcome to the Christian world baby bean! congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan sa napakagandang bata na si bean!”
Ipinahayag din ng “It’s Showtime” host kung gaano siya kasaya para sa kaibigang si Angge.
“Never been this extra happy for you momssy angge!! Seeing your photos and habang ini-edit ko tong reels na to! Mapapasabi ka nalang talaga na, iba mag bigay ng regalo si God,” aniya.
Nagbigay pa siya ng konting pa-tribute sa bestie na : “Mabuti kang tao moms and deserve mo lahat ng meron ka ngayon. Endless happiness and exciting motherhood and wifey duties awaits you momsy!!! Love you so much!!!”
Hirit pa niya, bihira raw siyang dumalo sa ganoong klaseng mga okasyon.
“PS sobrang nag enjoy kami sa party nila momsy @bela and direk @andoyr1973 mama @yescppicache Halata ba sa picture? Inavail namin lahat! hahahha best binyag ever!!!! Actually rare time na naka attend ako ng binyag, di pa umabot sa simbahan! hehhehe love you momsy!!” sey niya.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang naging mensahe ni Kim.
May mga naantig din sa kakaibang friendship ng AngBeki, ang tawag sa grupo ng tatlo.
May mga nang-urot naman sa netizens kung sino sa kanilang dalawa ni Bela ang susunod na magkaka-baby.
May nang-iinttriga pa kay Kim na kung pagbabatayan ang pagkagiliw nito kay Baby Bean ay sabik na rin umano itong magka-baby.
Ito ang ilang komento ng kibitzers.
“Who’s next s ANG BEKI😍😍😍”
“Nkakaiyak nman ung friendship n naramdaman ko.. mhirap mkahanap n tunay n kaibigan s mundo swerte mo kng ikaw makatagpo or mgkaron n tunay n kaibigan”
“Kimmie sana next na po k Angbeki😍😍😍😍😍 cant wait for angbeki babies😍😍😍😍😍😍ayo baby girl 👧 din 🥰🥰” (Archie Liao)