Isang Pinay at isang Koreano ang dinampot matapos ang isinagawang controlled delivery operation ng NAIA-IADITG, PDEA-NCR at Makati City Police sa SM Jazz Residence, Makati nitong lunes ng hapon.
Kinilala ang dalawang dayuhan na sina Angeline Claire Nacua, 25-anyos at Korean na Choi Sol, 38.
Sa imbestigasyon, mula pa sa bansang France ang parcel na nakadeklarang “Antique French Phone”
Natunugan ito ng tauhan ng NAIA-IADITG dahil sa kahina-hinalang laman ng nasabing package.
Humigit kumulang na 255 grams ang nasabat ng otoridad na may P1,734,000 ang halaga.
Ang dalawa ay kapwa na ngayon nakakulong. (Kim Mangunay/Betchai Julian)