WebClick Tracer

SPORTS

PSC, Richard Bachmann umaksyon sa antalang allowance ni EJ Obiena

Agad na inasikaso ni Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmaan ang sitwasyon at isyu na pinasabog ni 2020+1 Tokyo Olympiam Ernest John ‘EJ’ Obiena hinggil sa may isang taon ng hindi pagbabayad sa team tumutulong sa kanyang mga pagsasanay at kompetisyon.

“In light of the recent statement of Mr. Ernest John Obiena posted on his social media account, I immediately communicated with him and made internal actions in the PSC,” bulalas Miyerkoles ng gabi ni Bachmann sa binunyag ng atleta ilang oras lang ang pagitan.

“I also received communication on this matter from the Philippine Athletics Track and Field Association and will continue to speed things up to help their national sports association and Mr. Obiena,” hirit pa ng opisyal. “We continue to give the best support we can to our elite athletes.”

Inihayag nang nakadalawang panalo na sa gintong mdalya sa kampanya sa Europe men’s pole vault sa buwang ito, na nahaharap siya sa mga problema sa pananalapi at nagbabadyang hindi makapagpatuloy ng training camp para makabalik sa 20224 Paris Summer Olympic Games.

Sa isang Facebook post, ibinunyag ni Obiena na hindi nababayaran sa loob ng isang taon ang Team Obiena at sinisisi ang mga pagkaantala sa red tape. Dinagdag pang nakasama na ang ilang mga miyembro ay nagbanta ng mag-pull out.

Hinirit pa ng Asian, Universiade at Southeast Asian Games champion, na ang hindi pagbabayad ng sahod ay isa sa dalawang dahilan hindi siya makakasali sa Asian Indoor Championships sa Kazakhstan sa susunod na linggo at bumasag sa kanyang puso.

Pero umaasa naman aniya siyang mareresolba ang isyu sa lalong madaling panahon na tinugon nga ng PSC.

“Despite all the issues of the past supposedly being resolved, my team has not been paid now in over a year,” sey ni Obiena. “Payments are caught up in red tape.”

“Unfortunately, some of my team are now threatening to leave Team Obiena. I cannot blame them. Who could work free for over a year? They have families to support and bills to pay. They can’t keep working for free. I can only hope this resolves soon. I am losing a team I desperately need. Nobody wins alone. It’s always have been a team effort.”

Dati nang nasangkot sa kontrobersiya si Obiena sa kanyang mother federation Patafa kaugnay sa suweldo ng kanyang coach na si Vitaly Petrov ng Ukraine. Naresolba ang isyu matapos ang mediation sa pangunguna ni dating PSC chairman William Ramirez.

Sinabi ni Obiena na ang iba pang dahilan ng kanyang hindi pagsali ay hindi niya madal ang kanyang mga poste sa Kazakhstan sa kabila ng pagsisikap na ginawa ng Patafa. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on