WebClick Tracer

METRO

2 bahay inararo ng bus

SINUWAG ng Victory Liner bus ang dalawang bahay sa kahabaan ng Barangay Libag Sur, Tuguegarao City kahapon.

Ayon sa Tuguegarao City Police Station (TCPS), nagpapasalamat naman ang may-ari ng mga bahay dahil walang namatay o nasaktan sa nasabing insidente.

Sa imbestigasyon, sinabi ni TCPS information officer P/Lt. Rosemarie Taguiam, bigla umanong nahilo ang driver ng Victory Liner na si Jefferson Gannaban, ng Echague, Isabela kaya nawalan ng kontrol sa manibela.

Dito, unang nasagi ng bus ang bagong gawang garahe ng bahay ni Melene Narcise bago dumiretso sa garahe ni Jose Arago, parehong nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat, parehong nasira ang mga garahe ng dalawang bahay.

Nabagsakan din ang bagong kotse ng anak ni Arago na nakaparada nang araruhin ito ng pampasaherong bus.

Ayon kay Taguiam, galing umano ang bus sa Manila at papunta sa Tuguegarao City nang mangyari ang sakuna. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on