WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bebot timbog sa porno video

ARESTADO sa isinagawang entrapment operation ang isang babae na nabistong nagbebenta ng malalaswa niyang mga larawan maging ng mga video sa Cebu City.

Sa ulat ng pulis, agad na natimbog ang 25-anyos na babae sa Barangay Tisa ng lungsod.

Batay sa report, ayon na rin kay Arnel Pura, officer-in-charge of NBI-Mandaue, inamin ng babaeng kabilang siya sa isang “cam show” o pagpo-pose ng hubo’t hubad online sa pamamagitan ng messenger ng isang social media platform. Nakakatanggap aniya siya ng bayad mula P300 hanggang P1,500.

Nabatid pa sa ulat na maraming mga binebenta na mga larawan at video ang babae at nakumpirmang siya ay nasa online sex exploitation.

Kabilang sa lamang ng mga video ay ang mga nakababata nitong kapatid na babae kung saan isa sa mga ito ay menor de edad, na nagawang mailigtas.

Sa ulat, sinasabing karamihan sa parokyano ng suspek ay mga dayuhan.

Sa presinto sinabi ng babae na nagsisisi na siya sa kanyang nagawa. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on