WebClick Tracer

METRO

Binata inatake habang tulog, dedo

Isang binata ang patay matapos umanong atakihin sa puso habang natutulog sa Navotas City, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ulat ni Navotas City Police chief PCol. Dexter Ollaging, alas-5:45 ng madaling araw nang matagpuan ng kanyang kuya na si Andrew Rivera, 33, ang biktimang si Alvin Rivera, 29, driver, taga-Naval St., Brgy. NBBS Proper.

Napag-alamang, gabi bago makitang wala ng buhay ang biktima ay nagrereklamo pa umano ito na masakit ang kanyang likod.

Naligo pa umano ang biktima at pagkatapos ay dumiretso nang matulog hanggang sa kinabukasan ay makita na lang itong patay.

“Binangungot daw, heart attack ang kinamatay, wala namang nakita ang SOCO na mga external wounds sa victim,” ayon kay PCol. Ollaging sa panayam ng Abante Tonite.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa insidente. (Cherk Balagtas/Orly Barcala)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on