WebClick Tracer

METRO

Bumatak habang naka-park sa BGC, kelot dinampot

Timbog ang isang lalaki matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa loob ng nakaparadang sasakyan kahapon sa Taguig City.

Nakapiit na ngayon sa custodial center ng Taguig City Police ang dinakip na si Edward Larena, 52, may-asawa, ng Sta Ana, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, habang nagsasagawa ng bump operation ang mga security personnel sa McKinley parkway likurang bahagi ng Serrendra One, District 2 Area sa BGC, napansin ang iligal na nakaparadang itim na Mitsubishi Xpander na may plakang NFH -1409.

Dito bumulaga sa mga security officers na sina Andy Muel at Giovany Madjos ang suspek habang gumagamit umano ng iligal na droga.

Agad na pinosasan at inaresto ang suspek. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on