WebClick Tracer

SPORTS

Jau Umandal, AMC-Cotabato Spikers pinaplakda ang Santa Rosa City Lions

STANDINGS
TEAM W L
Iloilo 3 0
Cotabato 3 0
Cignal 2 0
Imus 2 1
Army 2 1
Navy 1 1
VNS 1 2
Air Force 1 2
Vanguard 1 3
National U 0 3
Sta. Rosa 0 4

Mga laro sa Biyernes (Paco Arena, Maynila)
3 pm – Imus vs Navy
5:30 pm – Air Force vs Cignal

Kumayod si Jau Umandal ng 22 points at 14 excellent receptions sa likod ng puwersa at depensa nang hakbangan ng AMC-Cotabato, ang batang Santa Rosa, 25-22, 22-25, 25-20, 25-17, upang humalobilo sa liderato ng 6th Spikers’ Turf 2023 Open Conference eliminations Miyerkoles ng gabi sa Paco Arena sa Maynila.

Nakapaloob sa pinuntos niya ang 18 kills, 3 blocks at ace upang ihatid ang Cotabato sa pangatlong sunod na ragasa at akbayan sa taas ang Iloilo D’Navigaors kasabay sa pagbaon sa City Lions sa ilalim sa 0-4.

Kasabwatan ni Umandal sina Madz Gampong at Jayvee Sumagaysay na may tig-10 markers, pero dehins pa rin kuntento si rthurd ‘Odjie’ Mamon sa niladlad ng kanyang mga bataan.

“Mayroon akong gusto na makitang dalawang rotation na ma-improve, pero sumama naman ‘yung dalawang posisyon, even lang walang improvement,” anang Cotabato Spikers dahil sa 40 errors ng team.

“Pero yung grit, yung kapit namin, yung resilience, composure. Syempre mas beterano ito kesa sa kabilang team,” hirit ni Mamon.

Wagi rin ang Army (2-1) kontra Vanguard (1-3), 25-19, 25-22, 22-25, 25-18, sa paliga ng Sports Vision na mga napapanood sa ne Sports, One Sports+, Cignal Play, at SMART Live Stream at spikersturf.ph. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on