WebClick Tracer

METRO

Lider ng drug group, 4 galamay nalambat

SWAK sa kulungan ang lider ng Arabe Drug Group at apat na miyembro nito sa isinagawang buy bust operation sa Dasmariñas City, Cavite Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Daves Arabe y Jurban, 30, construction worker, lider ng grupo; Allan Hubella, 41, walang trabaho; Faustino Cuarteros, 46, magsasaka; Emmanuel Zurvitu, 49, construction worker, at Wilfredo Escober, 40, walang trabaho, pawang taga-Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite at miyembro ng Arabe Drug Group, na nasa listahan ng HVI.

Sa ulat, dakong alas-11:10 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit-Cavite sa Brgy., Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite na ikinaaresto ng grupo at narekober ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P69,000.00 at buy bust money.

Ang mga suspek na pawang mga miyembro ng Arabe Drug Group at nasa listahan ng HVI ay matagal nang under surveillance ng pulisya. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on