Hindi ginaya sa original story ni direk-actor Coco Martin ang bago niyang action-serye na FPJ’s Batang Quiapo.
Originally ay napanood ito sa pelikula na pinagbidahan ni Fernando.Poe Jr kapareha si Maricel Soriano.
Si Lovi Poe ang partner ni Coco.Sabi niya, though napanood na niya noon ang ‘Batang Quiapo,’ inulit niyang silipin ito para pag-aralan ang kilos ni Marya.
Pero pinagdiinan niyang wala siyang ginaya kung ano ang ginawa doon ng aktres dahil may sarili rin daw siyang atake kung ano ang gagawin sa role bilang si Mokang.
Kilala si Lovi na class kung kumilos at hindi makabasag pinggan.
Ayon sa dalagang aktres, inaakma lang daw niya sa kanyang kasuotan ang role niya.
Kung pawang magagandang damit nga naman at rich ang role siyempre dapat maging class. Pero kung rugged outfit at pa-rubber rubber shoes diyan na lalabas ang katauhan ni Mokang.
May nagtanong din kung ang paglipat ba ni Lovi sa ABS-CBN ay kasama sa usapan na may gagawin siyang project na ginawa noon ng kanyang ama.
Sagot ni Lovi “Wala naman pong ganun na usapan. Pero ang sabi ko lang ang isa sa gusto kong makatrabaho ay isang Coco Martin which is natupad naman and at the same.time.thankfu .na rin po ako na ang ginagawa namin ay ang pelikula pa noon ng tatay ko.”
Bakit type niyang tikman na makatrabaho si Coco?
Ang bilis ng sagot ni Lovi, “kasi crush ko siya.”
Anyway, maganda ang rapport nina Coco at Lovi.
Para silang aso’t pusa na laging nagbabangayan sa serye.
Ipalalabas na sa Lunes Februaey 13, ang ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kapalit ng Darna na magtatapos na ngayong Biyernes.