Sino raw itong government official ang nabigyan lamang ng puwesto dahil sa lover nitong nakaupo sa Malacañang?
Tsika ng isang Marites kay Mang Teban, itong Malacañang official ay isang tomboy pero sobrang lakas daw nito sa presidente dahil higit isang dekada na itong nagtatrabaho roon.
Dati raw ay aliping sagigilid lamang ito pero ngayon ay sobrang lakas ng werpa nito as in daig pa ang bagyong Yolanda.
Kinaiinisan din daw itong Malacañang exec ng maraming miyembro ng Presidential Security Group (PSG) dahil palaging sapaw sa kanilang trabaho.
Kung minsan daw, nagiging hawi girl din itong opisyal dahil hinahawi ang mga taong gustong lumapit sa presidente kahit hindi naman niya ito trabaho.
Parang gustong palabasin ng opisyal na masipag siyang magtrabaho at walang kinasasangkutang anomalya.
‘Yun nga lang, lumitaw na brinaso niya ang Office of the President para maipasok ang kanyang kalaguyo sa Palasyo na ngayon ay humahawak ng mataas na posisyon doon.
Clue: Hindi kagandahan, chubby pero matamis ang pangalan nitong Malacañang official, habang ang karelasyon nito ay mataba rin at hindi guwapa.