WebClick Tracer

NEWS

PNP, DOJ ipakulong `rapist’ ng mga batang ina – Senado

Kinalampag kahapon ng Senado ang Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) para kasuhan ang mga lumalabag sa statutory rape law na isa sa mga dahilan umano kung bakit tumataas ang bilang ng mga nabubuntis na menor de edad pa lamang.

“Ang mga nabubuntis ay 11 years old, 12 years old. Batas na `yan, ikukulong dapat `yan. Rape is a heinous crime and therefor they can be arrested obviously, and no bail granted to them under heinous crimes, laws on heinous crimes. So that should be implemented with the full force of the law,” ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Aniya, malinaw naman sa Republic Act 11648 na nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga menor de edad na itinaas ang edad para sa `age of sexual consent na mula sa 12 ay itinakda sa 15-anyos pababa.

Plano ni Zubiri na makipagpulong kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. para pag-usapan ang nasabing isyu dahil na rin nakakaalarma na aniya ang tumataas na bilang ng mga nabubuntis na menor de edad.

Naalarma ang senador sa sitwasyon dahil ang mga lalaking nakakabuntis ng menor de edad ay nasa lima hanggang 10 taong gulang ang agwat sa biktima.

Batay umano sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ito ng 2,117 bilang ng mga batang nanganak sa edad na 10 hanggang 14-anyos noong 2020. Ngunit base naman sa datos ng Department of Health ay tumaas ang naturang bilang sa 2,299 noong 2021.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on