WebClick Tracer

METRO

Suspek sa pagpatay, pinalaya

Pinalaya ng piskalya ang isang murder suspek na harapang bumaril sa isang 20-anyos matapos igiit ng abogado nito na lagpas na sa 36-oras na reglamento para sa “warrantless arrest” makaraang bawian ng buhay habang ginagamot ang biktima na binaril sa Barangay San Isidro, Biyernes ng madaling araw sa Angono, Rizal.

Nakalaya ang 21-anyos na suspek, ng Barangay Rosario, Pasig City matapos na sumuko sa Pasig City Police Station na may apat na araw na ang nakakaraan nang maganap ang pamamaril kung saan iginigiit ng abogado ng suspek na lagpas na sa 36-oras na reglamento para sa “warrantless arrest.”

Ayon kay Angono Police chief Major Henry Villagonzalo, kasong murder ang isinampa laban sa salarin.

Matatandaang Biyernes ng madaling araw nang harapang barilin ng suspek ang biktimang si Kevin Villamayor sa Barangay Poblacion Ibaba, Angono habang sakay ng bisikleta ang biktima sa harap ng San Isidro Hospital.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Angono Police ang kaso upang managot ang suspek. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on