WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Tinanim na bomba ng BIFF nasilat, 3 bulagta

Nasilat ng tropa ng pamahalaan ang tangkang pambobomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ginawang opensiba ng militar na ikinamatay ng tatlo sa mga ito at madakip ang isa pa sa Mamasapano, Maguindanao del Sur, ayon sa ulat ng opisyal ng Philippine Army kahapon.

Sa ulat ni Lt. Col. Benjamin Cadiente, commander ng 33rd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, isinagawa nila ang `fire mission’ kung saan direkta itong tumama sa kuta ng BIFF na pinamumunuan ng isang alyas Boy Jacket, sa Barangay Liab ng nasabing bayan.

Kinilala ni Cadiente ang isa sa nasawi sa alyas na Suharto, ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi at iniimbestigahan ang isa nilang nahuling kasama.

Ayon pa kay Cadiente, matapos matumbok ang kuta ng BIFF, nakarekober ang militar ng M16 rifle, 2 homemade na pistola, 1 kalibre .45, 5 M79 rifle grenade at 3 improvised bomb kasama ang 81 mm mortar na may cellphone bilang triggering device. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on