Totoo nga kaya ang tsika gustong bumalik ni Willie Revillame sa GMA-7?
Ito ang naging discussion nina Cristy Fermin at mga co-hosts na sina Wendell Alvarez at Romel Chika sa recent episode ng kanilang “Showbiz Now Na” online show.
May tsika nga raw kasing lumabas na nagpahatid ng feelers si Willie sa GMA-7 at tila gusto raw nitong bumalik sa network.
Pero ayon kay Nay Cristy, if ever na true ito, mukhang mahihirapan nang makabalik pa ulit si Willie sa GMA-7.
“Kasi, dumating ka na du’n sa punto na may pamimilian ka, eh. Namili ka na, eh, di ba? Iniwan mo na sila, eh. Pumasok ka na sa ibang transaksyon, di ba?
“Ang ganda-ganda ng kalagayan mo dito, pipirma ka ng another year or two years. Eh hindi mo nga ‘yun ginawa, eh. Dahil mas binigyan mo ng pagpapahalaga ‘yung bagong offer na tinanggap mo.
“Palagay ko, hindi na,” ang opinyon ni Nay Cristy.
Nagtataka rin ang batikang kolumnista/radio and TV host sa sinasabi ni Wilie na wala siyang alam sa pagkansela ng kanyang show dahil hindi siya sinabihan ng management ng AMBS-2 o AllTV.
Kung nagkapagpadala raw ito ng feelers sa GMA-7, ibig sabihin ay alam nito ang nangyayari sa AllTV.
Kaya ang hinala rin ni Nay Cristy, marahil daw ay alam naman ni Willie ang tungkol sa pagkansela ng mga shows ng AllTV kabilang na nga ang Wowowin. (Vinia Vivar)
“Palagay ko, alam niya ito at malakas ang kanyang kutob na patungo na roon,” sey ni Nay Cristy.