WebClick Tracer

METRO

P10K sa grocery pinuslit ng 2 bebot

TINATAYANG mahigit sa P10K halaga ng grocery items ang tinangkang ipuslit ng dalawang bebot kung hindi naharang habang papalabas sa isang supermarket sa Kawit, Cavite Biyernes ng umaga.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Marian Pil Babol y Cama, cashier ng Brgy. Medicion Imus, Cavite at Rhea Cama y Paming, nasa wastong edad, ng Dulong Bayan Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, nagpanggap na customer si Cama at kumuha ng grocery items na umabot sa P10,327.70 sa loob ng R&A Malvar Supermarket sa Brgy. Balsahan, Kawit, Cavite alas-8:30 kamakalawa ng umaga.

Pagdating sa counter, hindi in-scan ni Babol ang pinamili ni Cama subalit napansin ito duty na security guard na si Arnando Buenaobra kaya ipinaalam nito sa kanilang Operation Manager na ikinaaresto ni Cama habang papalabas ito.

Inaresto rin si Babol matapos mabuking na magkakutsaba ang dalawa. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on