WebClick Tracer

LIFESTYLE

Borahae (I Purple You)

Ito ang kasabihan ng sikat na mangaawit na si V na miyembro ng BTS sa kaniyang mga fans. Ngunit etong buwan ng Marso, ang kulay lila o purple ay may ibang kahulugan.

Proyekto ng Philippine Commission on Women o PCW ay ibandera ang kulay na ito at isuot tuwing Miyerkules ng buwan. Gawing ugali dahil ito din ang kulay ng International Women’s Day sa ika 8 ng Marso. Ito ay nagpapaalala ng kahalagahan ng mga kababaihan, ang ilaw ng tahanan, at bigyan pansin ang mga iba’t ibang kundisyon na mararamdaman.

Umpisahan natin sa buwanan na dinadatnan. Mula sa pagumpisa ng pagdadalaga o menarche, hanggang sa tumigil ito o menopause, ay regular na pasanin ang hirap at abala nito. Kahit na regular sya, hindi pa din ganoon ka regular ang timing. Sabi nga ng aking guro nung nagaaral ako ng medisina, “if there is one thing regular about a woman’s menstruation is it’s irregularity.” Kung minsan ay may pananakit pang nararamdaman, kasabay ng ibang sintomas, ang dysmennorhea. Dito, wala tayong masyadong magawa kundi pangunahan kung may matinding nararamdaman at napapatigil sa gawain. Mga anti inflammatories at pain relievers para hindi gaano sumakit at kumirot. May mga ibang ehersisyo din na maituturo pampatibay sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mayroon din dapat bantayan, ang menorrhagia o pagregla ng mahigit ng isang linggo at metrorrhagia ang sobra sobrang pagdurugo ng maaaring walang kinalaman sa regla. Pwedeng manghina at baka kailanganin pang masalinan ng dugo.

Ang pinakakaiba ay ang organo ng pagkababae. Ito ay kinalaman sa pagbubuntis at pagpapaanak. Ang mga babae ay mayroong bahay bata o uterus at nakakabit sa fallopian tubes at sa dulo ay ang mga obaryo kung saan nananatili ang mga itlog na magiging bata kung mabuntis. Ito rin ay may kinalaman sa mga hormones tulad ng estrogen at progesterone. Kung magkakaroon ng pagkakataon mabuntis ay sa uterus mananatili ang zygote o naguumpisang fetus hanggang maging bata. Ngunit kung hindi naman, ang lining nito ay tinatanggal ng katawan at nagiging sanhi ng regla na nabanggit kanina.

Kabilang din dahil sa anatomiya, madalas magkaroon ng urinary tract infection o UTI dahil sa malapit ang 3 openings. Ang mga ito ay ang urethra o daanan ng ihi, ang vagina o ari, at anus o puwetan. Kaya nga itinuturo ang kalinisan at hygiene, lalo na ang pagpunas na mula sa harap papunta sa likod upang hindi mag contaminate at magka impeksyon. Ang isa pang kundisyon dahil sa pagtigil datnan na menopause, ay ang biglang pagbagsak ang kalidad ng buto at tumaas ang posibilidad na mabalian kapag na aksidente, ang osteoporosis.

May mga iba pang karamdaman na maaaring mangyari, ang importante ay bigyan ng kahalagahan ang mga babae. Kausapin ang mga obstetrician-gynecologists upang matutunan ang iba’t ibang aspeto ng pagkababae.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on