Iniintriga ng mga Marisol ang pagiging ‘no show’ ni Claudine Barretto sa kasal ng kanyang pamangkin na si Dominique.
Ikinasal kasi si Dominique, anak nina Gretchen at Tony Boy Cojuangco sa businessman na si Michael Hearn kamakailan sa San Agustin Church sa Intramuros.
Idinaos naman ang reception ng kasal sa National Museum of Natural History na inalmahan ng ilang netizens lalo pa’t clueless sila na puwede palang magdaos ng isang private function tulad ng kasal sa nasabing cultural at anthropological venue.
Sa kanya namang IG, pinutakti ng mga tanong si Claudine kung bakit hindi siya imbitado sa kasal ng kanyang pamangkin, considering na close siya sa kapatid na si Gretchen.
Hirit tuloy ng mga katkatera at sawsawera, may feud na naman ba ang magkapatid?
Hindi pa naman nagsasalita si Claudine sa isyu ng pag-absent niya sa naturang okasyon.
Inuurot din ang diumanoý wala ang mga pinsan nitong tulad nina Julia, Dani, Leon at Claudia Barretto sa kasal ni Dominique.
Ito naman ang ilang mga komento ng mga Marisol.
“Feeling ko, may feud uli sina Gretchen at Claudine.”
“Si Julia, mas piniling magbakasyon kasama si Gerald.”
“Paanong iboboykot kung hindi naman sila imbitado in the first place.”
“Ang gagaling naman ninyong mag-assume. Baka naman may iba silang lakad.”
“At mas ok na ganyan at least peaceful ang wedding nya.”
“As if naman, hindi matutuloy ang kasal ni Dom kung wala sila.”
META DESCRIPTION: Inuurot ng mga Marisol ang pagiging no show nina Claudine Barretto at mga pinsan nitong sina Julia, Dani, Claudia at Leon sa kasal ng kadugong si Dominique na ikinasal sa businessman na si Michael Hearn kamakailan.
Bianca pinagselosan si Jasmine
Sa programa ni Boy Abunda, inamin ni Bianca Umali na siya iyong tipong selosa bilang girlfriend.
Dahil dito, inungkat ng King of Talk ang nangyaring insidente sa parking lot ng SM Megamall noong 2019 kung saan muntik na nitong masagasaan ang nobyo.
Ang naturang insidente ay naganap pagkatapos ng after party ng pelikulang Cara X Jagger na pinagbibidahan noon ng kanyang boyfie at ni Jasmine Curtis-Smith.
Urirat ni Boy : “Let’s address the elephant in the room. People are talking about an incident na nangyari sa likod ng Megamall kung saan nagselos ka at muntik mong sagasaan si Ruru.”
“Selos yon?”, pahabol ng multi-awarded talk show host.
Tinanong pa ni Boy kung may pinagmulan o history ang kanyang pagseselos.
Tugon ni Bianca: “Yes… I think kaya ko nasasabing selosa ako, especially when it comes to my relationships, is because ganoon po ako kagrabe magmahal that I am territorial. And yung pagkaselosa ko po, alam ko na nasa lugar. Kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan, doon ako nagseselos, and I have been right all the time. Ruru knows that.”
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon ang kibitzers na pinagselosan niya si Jasmine na leading lady ng kanyang dyowa bagamat hindi niya ito nabanggit.
Sey pa niya, ang insidente raw na iyon ang naging dahilan para maapektuhan ang kanilang relasyon ni Ruru na eventually ay nauwi sa hiwalayan.
Hirit pa niya,umabot daw ng humigit-kumulang na isang taon, bago nabalik ang kanilang special friendship ni Ruru.
Sa huli,nanaig daw ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa kaya naman sila na rin ang gumawa ng paraan para maayos ang kanilang gusot.
Dahil lagi raw naman silang in touch ni Ruru, ginawa raw ng nobyo ang lahat para ma-save ang kanilang relationship.
Sa bandang huli, napatawad na rin daw niya ang nobyo kaya nabigyan sila ng pagkakataong makapagsimulang muli.