WebClick Tracer

LIFESTYLE

Alagaan ang tenga

Kailangan natin panatiliing maliinis ang ating katawan at lahat ng bahagi nito. “Cleanliness is next to godliness”. Sa pisikal na aspeto, para makaiwas din sa sakit at anumang karamdaman. Isang bahagi ng katawan natin ang maaaring hindi pansinin o mayroong mga iba na ito ay talagang pilit sinisigurong malinis, ang tenga. Yan ang tanong ng isa sa ating mga readers. Kamakailan, noong ika 3 ng Marso ay itinanghal ang International Ear Care Day.

Ang tanong sa atin ay “Gaano ba dapat kadalas linisin ang ating tenga. May mga nagsasabi kasi na huwag na masyadong linisin ito lalong lalo na kung ang gagamitin ay mga cotton buds o ear buds. Mas nakakasama pa daw ito. Ako pa naman ay sinisiguro ko na talagang nakakayod ko ng maayos at hindi madumi ang mga tenga ko”, aniya. “Ano ba ang dapat gawin at paano ba ang tamang paglinis nito?”

Ang tenga ay binubuo ng tatlong bahagi. Ang external, middle, at inner ear. Ang unang bahagi ay nasa labas kasama ang pinna o auricle, canal hanggang sa tympanic membrane. Dito nasasalok ang tunog. Ang pangalawa naman ay mula sa tympanic membrane o eardrum, naglalaman ng maliliit na buto o ossicles. Ang vibrations ay tumatawid dito. Naririto din ang eustachean tube kung saan mahalaga para sa ating balanse. At ang huli ay makikita ang cochlea. Dito naman ang nagpapadala ng mga signal papunta sa utak para maconvert ang tunog at maintindihan ang mga nadidinig.

Para panatiliing malinis ang tenga, huwag na huwag sundutin ito at baka masira ang lining ng canal, masugatan, at maaksidenteng mabutas pa ang eardrum. Tama din na huwag gumamit ng cotton buds dahil maliban sa nabanggit na mangyayari, naitutulak pa niya ang kung anumang andoon sa canal paloob at mas mahihirapang matanggal ang mga ito.

Simpleng paghugas ng sabon at tubig lamang ay sapat na at patuyuin ng tuwalya ang mga nakakapa at nasasalat. Huwag din ilublob dahil baka mas magka impeksyon kung mapapasukan ng bakterya. Sa totoo lang, ang ating mga tenga ay napakaganda dahil sarili nilang nalilinis ang mga ito. Namumuo ang ear wax o tutuli at kusa itong ilalabas sa canal. Ngunit sa pagkaktaong tumigas ang mga ito, maaaring patakan ng olive oil o baby oil para lumambot ng mailabas ng tenga. Para sa gitna naman, mainam gumamit ng ear plugs or protectors lalo na kung maingay ang paligid o ang ginagawa. Kung makikinig sa tugtog o sa mag magsasalita ng naka ear or head phones, huwag masyadong malakas ng hindi mabingi.

Huwag pabayaan ang ating mga tenga. Kung may mararamdaman ay dalhin sa inyong doktor. Kung kakailanganin ang isang espesyalista, sila ang mga ENT-HNS o otorhilolaryngologist – head and neck surgeons.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe! Get vaccinated! Get Boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on