WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Reporter kinuyog ng grupong makakaliwa

hulaan

Sino raw itong reporter na kinuyog ng mga militanteng grupo matapos kulayan ang pagtungo ng isang lider aktibista sa grupo ng mga nagpoprotestang tsuper?

Ayon sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, inulat daw kasi ng reporter ang exclusive report na itong si Renato Reyes ng grupong Bayan ay naispatan na sumama sa transport strike noong Lunes.

Tila pinalalabas ng reporter na tama ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na “communist inspired” ang tigil-pasada ng mga tsuper.

Sa isang iglap, agad na sinupalpal ang reporter sa exclusive report kuno. Sabi pa ng magandang dalaga na konektado sa progresibong grupo, hindi maituturing na naka-iskup ang reporter dahil nasa press conference ang aktibistang lider.

Inusisa pa ng bebot kung ano ang gustong palabasin ng reporter at tinanong pa niya ito kung unang beses pa lamang nag-cover ng rally.

Mukhang hindi nabulatlat ng millennial na babae na ang minamaliit niyang reporter ay minsang sumikat noon at nakarating pa sa Hong Kong.

Buti na lang, may isang masipag na nagbulatlat ng background ng lalaking reporter at pinakita ang link sa ilan sa achievement ng reporter. Ang hindi lang nila nahalukay ay ang koneksyon ng reporter sa “Minola Oil” kaya nababansagan itong “Boy Minola”.

Hindi rin yata alam ng mga basher na muntik nang maging bokal ang reporter dahil kinulang lang ito sa height este boto para manalo sa kanilang lalawigan na pugad ng mga rebeldeng NPA.

Sa kabila ng mga bigatin na credential ng reporter, aba’y sinabihan pa siyang nag-aral daw ng journalism kay Nanay Cristy, habang ang iba ay nagsabing content creator ng troll farm.

Clue: Ang reporter ay kapangalan ng kontrobersyal na asawa ng dating presidente ng Pilipinas.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on