Mga ka-Misteryo parang nakakatawa pero makapanindig balahibo karanasan ni Oscar nang siya ay makipag-patintero sa mga multo sa parking ng kanilang condo.
Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”
Lumapit sa Misteryo si Oscar at nasabi niya ang kanyang karanasan.
Misteryo: “gusto ko matawa pero parang komedy ang dating sa akin ng paranormal experience mol
Oscar: “Ako nga din eh pero seriously speaking talagang natakot ako kasi yung una tinigilan ko talaga siya yung male black shadow.”
Misteryo: “Paano mo ba siya nakita? Sabi nagtatago sila sa mga poste.”
Oscar: “Yun nga eh kaya nga creepy na makita kong may sumilip tapos noong tignan ko wala naman.”
Misteryo: “Sabi mo tinigilan mo so nakasakay ka pa pala sa sasakyan mo nun?”
Oscar: “Oo from work ako noon pero past midnight na ko nakarating sa condo namin. Normally wala naman ganun di ba normal na wala naman creepy feeling pag midnight especially nasa city ka pero that was the first scary experience.”
Misteryo: “So may kasunod pang experience after nun?”
Oscar: “Yes di ba sabi ko nga first scary experience ko yung male black shadow. Heto naman sa pangalawa ay dark child. Not sure kung dark shadow o mismong yung entity na yun ang nakita ko.”
Misteryo: “Paano mo naman nakita yang ghost child na yan?”
Oscar: “Heto naman ang style niya manggulat, kasi paakyat ako sakay ng oto ko sa 4th floor may biglang tumawid sa harap ko kaya ang lakas ng pagpreno ko. Noong tignan ko siya kitang-kita ko nagtago siya sa likod ng nakapark na kotse so bumaba ako para tignan siya at kausapin sana kung bakit napunta siya sa condo namin.”
Misteryo: “Nakausap mo ba?”
Oscar: “Hindi kasi hindi ko na siya nakita alam mo yung minsan lang nagpakita tapos wala na agad.”
Misteryo: “Yung pangatlo mo, ano yun?”
Oscar: “Heto white lady naman ito. Paliko ako papunta sa parking slot ko nakita ko si ate white lady naglalakad sa likod ng nakaparadang kotse. Nagmamadali pa nga ako na makaliko pero puff wala na akong nakitang white lady. Nagtry pa ko tawagin siya pero mukhang shy na siya.”
Kayo mga ka-misteryo may ganito ba kayong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Please visit www.reytsibayan.com abante.com.ph at please Like Subscribe YouTube channel: reytsibayan adventures.
Misteryo