WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Borongan City nagdeklara ng HFMD outbreak

Matapos na makapagtala ng 156 kaso, nagdeklara na ang City Health Office ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) outbreak sa Borongan City, Eastern Samar, kung saan karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga batang lalaki na may edad na hindi lalagpas sa 10-anyos.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng Borongan, umabot na sa 156 na kaso ng HFMD ang kanilang naital mula Enero 2023 hanggang Marso ang siyudad. Kasama na sa bilang ang 40 na bagong suspected case.

Dahil dito ay naalarma ang City Health Office at napag-alaman pa na may 38 barangay ang may naiulat na kaso ng sakit, dahilan upang magdeklara ng outbreak.

Patuloy naman ang City Health Office sa isinasagawang surveillance matapos na may napaulat na rin na may mga mga estudyante sa ilang paaralan ang tinamaan ng naturang sakit.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on