Sa isang panayam, inamin ni Judy Ann Santos na nasa punto na raw siya ng kanyang buhay na mas prayoridad na niya ang pamilya kesa sa kanyang karera.
Gayunpaman, mahal daw naman niya ang kanyang propesyon bilang aktres dahil ito ang naging bread and butter niya noon.
Sa ngayon daw, enjoy naman siya sa kanyang real life role bilang mother at entrepreneur.
Sey pa niya, pagdating daw sa acting offers, aminado siyang pihikan na siya.
Sa tagal daw kasi niya sa showbiz, deserved daw naman niyang magkaroon ng freedom at hindi madiktahan ng mga taong nakapaligid sa kanya.
“I grew up in this business. I’ve been acting since I was 8. I guess, I now deserve to be picky with projects. For most of my life, I was surrounded by people who would dictate to me what I should do, ” aniya.
“I also had no say over the coactors I got to work with. I’m done with all of that now. These days, I only choose projects that I feel will help shape my career as an actress, ” dagdag niya.
Hirit pa niya, gusto raw niya na this time ay may sey na siya sa bawat proyektong gagawin niya hindi dahil sa estado niya kundi sa panahong kaya niyang ilaan sa trabaho.
“I want to be in charge of the projects I’m doing. I want to be the one calling the shots. This is not because I’ve now turned into a diva, but because work would now depend on the amount of energy I have,”paliwanag niya.
Dahil sa tinurang ito ni Judy Ann, marami naman ang sumasang-ayong may K na mag-diva siya dahil sa naging ambag nito sa showbiz.
May nago-opinyon namang nakaka-relate raw ito sa pinagdadaanan ni Liza Soberano.
Meron namang nagdi-disagree at nagsasabing hilaw pa ang umay factor ni Liza kumpara sa mga naging karanasan ni Juday na isa nang icon.
May mga nagmamaldita pang nagpayo kay Liza na gayahin si Juday na na-earn muna ang respeto ng industriya bago naging ‘reklamador’ diumano. (Archie Liao)