WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Abogado may hubad na larawan ng bebot sa opis

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong abogado na may hubad na larawan ng babae sa kanyang opisina?

Tsika ng isang impormante kay Mang Teban, nakita ang picture ng hubad na babae nang interbyuhin kamakailan ang abogado.

Kitang-kita raw sa Zoom interview ang hubad na larawan ng babae na nasa kaliwang bahagi ng dingding ng opisina ng abogado.

Hindi man lang ibinababa ng abogado ang camera bagkus ay parang pinagmamalaki pa ang hubad na larawan sa kanyang opisina.

Nakatagilid ang babae kaya hindi kita ang ari o tumbong nito. Pero ang dibdib, tayong-tayo na parang nanggagalit.

Ito siguro ang inspirasyon ng abogado kapag may pinag-aaralang mabibigat na kaso dahil tiyak na mabubuhay ang mga dugo nito.

Kilala ang abogado dahil sa paghawak ng kaso ng mga kontrobersyal na indibidwal sa bansa.

Minsan din itong natsismis na nagkaroon ng relasyon sa isang magandang showbiz personality.

Clue: Ang abogado ay minsan nang pinusta ang kanyang “balls” para sa kanyang kliyente.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on