WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Barangay kapitan, esmi tinumba ng tandem

Patay ang kapitan ng barangay at misis nito matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem sa bayan ng Asturias, Cebu, kahapon ng umaga.

Kapwa dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Mario Tundag, kapitan ng barangay Manguiao sa bayan ng Asturias, at asawang si Edna.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Cebu Police Provincial Office (PPO) sa Camp Crame, naganap ang in idente pasado alas 9: 00 ng umaga sa national higway sakop ng Brgy. Poblacion partikular sa harapan ng Mayor Fabian Aguanta Asturias Central School.

Lulan ng motorsiklo ang mag-asawa na minamaneho ng mister ng mula sa likuran ay sumulpot ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek na nakasuot ng full face helmet at dinikitan ang mga biktima saka pinagbabaril ng backrider.

Nang makitang kapwa duguang bumulagta ang mga biktima ay agad na bumuwelta ang mga suspek at tumakas.

Nagsasagawa pa ng imbetigasyon ang pulisya sa naganap na krimen.(Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on